10.31.2007

tulog na,

Ano ba naman iyan. Miyerkules na at wala pa akong nagagawang homework. Puro tulog lamang ang aking ginawa ngayon. Maigi iyan.

10.28.2007

Isang Linggo

Oktubre 28-Linggo

Natapos ko na! Natapos ko na ang librong pinahiram sa aking ng aking kaklase na si Criselli! Ang librong ito ay Can You Keep a Secret? Ang sumulat nito ay si Sophie Kinsella. Napakaganda! Sinimulan ko ito kahapon at kanina natapos ko na! Totoo pala ang sinabi ng aking kaklase na kapag nabasa mo ito, hindi mo na mabitawan!

Sumasakit na ang aking dibdib kaka ubo.

Pabirong sinabi sa akin ni papa na mag dinner daw kami sa Icebergs. Sayang.

Oktubre 27,2007- Family Day

Naka 3 rides kami [alex,max & diego]. 2 sa caterpillar at isa sa horror train hindi na namin kasama si diego dahil noong nakapila na kami[as in kami na ang susunod], bigla siyang uniyak dahil natatakot siya. Sabi niya sa caterpillar nalang kami. Pagkatapos sa caterpillar, iniwan namin si diego kina mami [parang noodles!] para makapag horror train kami ni alex. Grabe nagsayang lamang kami ng ticket. 2 tao lang ang nananakot sa loob pero hindi naman sila nakakatakot. Para mapawi ang aming panghihinayang, bumili si alex ng snow cone[cone ba o cold? stone cold pala yun!] Tinikman ko at ako'y nainggit. Sinabi ko sa sarili ko na hindi naman lalala ang aking sakit sa isang baso ng snow cone.

Lumala ang aking sakit. Halos isaksak ko na ang tissue sa butas ng aking ilong. Nagkaroon na din ako ng ubo.

ang mga litrato ay galing kay ate ikai :p

Ang aming pyramid.
Noong Biyernes lamang namin nalaman na kailangan pala ng pyramid kaya't pinalitan namin kaagad ang aming gagawain sa huli. Tinulungan kami ng aming guro na gumawa ng 4 na layer na pyramid. Napakahirap. Sa ikalawang layer pa lamang ay nahirapan na ako paano pa kaya ang mga nasa pinakababa. Nanginginig na kaming lahat. Naka ilang palit kami ng mga makakasama. Napalitan din ako dahil ako'y nanginginig. Sa huli, hindi nila kinaya ang 4 na layer na pyramid. Sinauli nila ako. Nasa ikalalawang layer na ulit ako. :) Kinaya naman namin ng aking katabi ang bigat dahil isang tao lamang ang tutungtong sa amin. :p


nandang simula ng aming sayaw


Oktubre 26- Biyernes

Sobrang sama ng aking pakiramdam. Umiiyak na ako dahil sa sama ng pakiramdam. 7:30- tulog na
Oktubre 25- Huwebes


Maigi iyan. Katabi kasi ang camera kaya kung anu-ano na ang ginagawa.


Uwina pa rin. [Sir Reyes at Sir Rehoy sa likod nila ay sila ate sam , ate castey at si hindi ko makita. Yung matangkad ay ang aming guro sa Soc Sci. At yung naka dilaw naman ay guro sa Filipino ng ikalawang taon. Ang babait nila! :)



Kami ng aking kapatid na si alex. Uwian :)



Kami ni Tikai [joke lang Chikai!] Mga sabik umuwi :p

Dry run. [thea, erika, max na ang isip ay nasa kawalan,nilcah at trisha] Si ate sam ang kumuha ng litratong


Oktubre 21- Linggo


Despedida ni Tita Imbo :(

Oktubre 20- Sabado

Despedida ni Tita Olive at Tito Bruce

10.19.2007

salamat at Biyernes na :)

Kanina ay ang aming Palihan. nakakapagod. 45 na minutos kaming naglakad-- sa araw. Nilibot ata namin ang buong barangay.

(si max, si clang, si thea at ang mga bata. galing ang mga litrato kay joey.]

Kasama ko ang isang estudyante na taga doon. Hindi siya nagsasalita.

Kanina din ang una naming supervised practice. Ang lugar na pinagensayuhan namin ay sa lawn. Kakatapos lang ng ulan. Humiga, lumuhod, umupo kami sa basang damo. Ang saya. Ang lamig. hehe=)

Nakita pala namin kanina si Say Alonzo at si DINO IMPERIAL!! hehehe:)

10.17.2007

Ang pinakamamahal kong si Bruno :)


May aso na ko! Belgian Malinois! Ang kanyang pangalan ay BRUNO. Parang kahapon lamang sinasabi ko na ayaw ko ng aso tapos ngayon mayroon na! Sabi ng bunso kong kapatid, ang magandang pangalan daw ay BLAH. Seryoso siya doon. May aso na ko!! Akin! Sabi sa amin, hwag daw namin sila pagsamahin ni Napoleon (isang Pomeranian. iyon naman ang aso ni ate Sam). May aso na ko! hindi ko ma-upload ang maga litrato niya ngayon. Bukas na lamang :)




nagpagupit na nga pala ko kanina. haha


may natutunan ako ngayon: huwag humiga sa lawn.

10.16.2007

Ang napakasayang araw.

Nagsimula ang araw na ito sa isang misa na tumagal ng isa't kalahating oras. Ang misa ay para sa patrona ng aming paaralan sa si Sta Teresa de Avila. Kanina ko lamang nalaman na siya din pala ang patrona ng mga nagdudusa sa sakit ng ulo.

Pagkatapos ay nag-recess na kami. Pagkatapos ay Geometry na. Pagkatapos ay Pinoy. Pagkatapos ay SocSci. Nalungkot ako noong natanggap ko ang aking test paper sa Geometry dahil ito ay mababa. Bakit hindi nalang ako naging magaling sa Matematika tulad ni Eleyne? ni Ate Mai? Ni ate Rasz? at lalo na si ATE SAM? Bakit? Bakit! Wala nang sayasay ang pagtatanong. Ang kailangan ko na lamang gawin ay mag-aral pa ng mabuti at magdasal.

Pagkatapos ay tanghalian na. Magkasama kami ni Regine at may nalaman akong mga bagay bagay. hehe =)

Pagkatapos ay Religion na. Wala pang total score noong matanggap namin ang aming papel. Madaming corrections. 11pts ang nadagdag sa akin. Pagkatapos ay Alegbra na. Atat na atat na ang aking mga kaklase na makuha ang aming mga papel. Sabi sa amin ng aming guro, iddiscuss muna niya sa amin ang mga ibang numero sa test bago niya ibigay sa amin ang mga papel. Tumunog na ang warning bell. Hindi pa rin siya tapos. May mga nagsabi na ngayon na daw ibigay ang papel. May nagsabi na bukas na lang (isa na ako doon). Pero sa huli, binigay na sa amin ang papel. Bakit ! BAKIT!!!

Pag-uwi sa bahay, ginawa ko na ang iba naming gawain para bukas. Pagkatapos ay natulog ako ng 30 minutos. Nagising ako sa tahol ng aso ni ate Sam. Si Napoleon. Si Napoleon. Napakaingay. Dahil doon, hindi na naging maganda ang mood. Mas lalong uminit dahil sa asong yoon.

10.15.2007

Si Alexa

Ang ikkwento ko naman ngayong ay ang nakababata kong kapatid na si Alex. Ang buong pangalan niya ay Alexa Marie M. de la Costa. Siya ay nasa ika-5 baitang sa paaralan ng Sta. Teresa. Ang kaarawan niya ay sa Pebrero 15.


Si Alex ay madaming talento. Mahilig siyang mag-luto(mag bake). Magaling din siyang imindak. Siya ang nagtuturo sa akin. hehe. Magaling din siya umawit. Lagi niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay. Mahilig din siyang gumuhit. Mabait si Alex. Paborito niya ang lahat ng pagkain. Maganda din si Alex. Magaling siya mag badminton. Sa kanya ako laging nagkkwento. Alex, mag-aral ng mabuti. :)
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

papasok na kami sa eskwela bukas. mabuti na lamang at tapos na ang eksaminasyon.

Nicole! Nasiyahan ako sa pakikipag-usap sa iyo. Sa uulitin! :)



may joke ako!

ano ito:

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ? ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~









eh di si captain hook na nalulunod :)

10.13.2007

Ang aking bunsong kapatid

Ngayon, ikkwento ko sa inyo ang aking bunsong kapatid. ang buong pangalan niya ay Vittorio Diego Manuel de la Costa Eibarramendia (joke)



siya ay anim na taong gulang na. ang kaarawan niya ay sa Mayo 4. Pareho kaming May. Siya ay nag-aral sa Stepping Stone Montesorri. Doon nin kami nag-aral. Ngayon ay nasa Ateneo De Manila University na siya. Magaling si Diego sa Math. Nagulat kaming lahat dahil kaming mga kapatid niya ay hindi ganun kagaling.

Sa aming magkakapatid, si Alex ang kanyang paborito dahil parehas sila ng gusto at magkalapot sila ng edad. Sa amin, ako ang pinaka hindi niya kasundo. Lagi ko kasi siyang niloloko. Sabi ng mga kapatid ko at ng mga magulang ko, humanda daw ako pag tanda niya. Mas matindi daw siya sakin.

Naku kanina nagsimula na ung kapatid ko. Pero iyang kapatid kong iyan, napaka lambing niyan. Pagdating niya galing sa eskwela, yayakapin at hahalikan niya kaming mga magkakapatid. Sana pag mga 15 ka na gagawin mo parin iyon sa amin. :)

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

kanina, nalaman ko na isa sa aking tiya ay pupunta sa Holy Land (ano ba talaga ang holy land? rome ? jerusalem? israel? ) . sabi sa amin, magsulat daw kami sa papel ng lahat ng aminh hiling. dadalhin daw iyon sa apat na simbahan doon sa Holy Land. lahat kaming magpipinsan ay nagsulat. nagkataon na ung isa kong pinsan na lalaki ay mayroong "special someone". tinutukso siya ng kanyang mga kapatid at sinasabi nilang "uuuyy! siguro puro tungkol sa kanya ung sinulat mo diyan!" biglang humirit ang isa ko pang tiya at eto daw ang sinulat namin

"Lord, please give me a lover" tawa ako ng tawa noong narinig ko ito. hehe

ngayon, nandoon sa ibaba ang mga bata kong pinsan at naglalaro ng basketball. hay sana laging ganito. walang ginagawa.


1st entry!!!

una ko itong entry sa aking blog. ang saya kasing magbasa ng blog ng ibang tao. heto ang nangyari ngayon: nag-grocery sa hypermarket (paalala sa sarili: wag nang magsuot ng tsinelas kapag mag go-grocery. ilang beses naiipit ung paa ko sa gulong ng cart)

pagkauwi, nagayos at pumunta sa shakey's. kaarawan kasi ng aking pinsan. haaay. ang tagal namin naghintay dun. akala nga namin late na kami. mga 1230 ata un. tapos nakakain kami ng lunch mga 230 na ata. buti nalang nagdala ako ng mababasa at nakilimutan ko ang aking gutom. nakakaiyak ung libro pero di ako makaiyak kasi andaming tao.



nakauwi kami mga 530. tinapos ko ang binabasa kong libro.

pagkatapos ay kumain na. ang saya no?

may joke ako. ano ang tawag sa red na flower?








eh di PULAwer